2
i nabubuhay pa yaong daquilang monarca.
At ang caniyang esposa yaong mariquit, na reina, ang pangala't bansag niya ay si doña Valeriana.
Itong hari cong tinuran si don Fernando ang ngalan ang caniyang tinubuan ang Berbaniang caharian.
Ang haring sinabi co na ay may tatlóng anác sila, tuturan co't ibabadyá nang inyo ngang maquilala.
Si don Pedro ang panganay na anác nang haring mahal, at ang icalaua naman si don Diego ang pangalan.
Ang icatlo'i, si don Juan ito'i siyang bunsong tunay, parang Arao na sumilang sa Berbaniang caharian.
Ito'i, lalong mahal baga sa capatid na dalaua, salang malingat sa mata nang caniyang haring amá.
Para-parang nag-aaral ang manga anác na mahal, malaqui ang catouaan nang hari nilang magulang.
Ay ano'i, nang matuto na yaong tatlóng anác niya, ay tinauag capagdaca nitong daquilang monarca.
Lumapit na capagcuan ang tatlóng príncipeng mahal, cordero'i, siyang cabagay nag-aantay pag-utusan.
Anáng hari ay ganitó caya co tinauag cayó, dito sa itatanong co ay sabihin ang totoó.
Linoob nang Dios Amá na cayo'i, nangatuto na, mili cayó sa dalaua magpare ó magcorona.
Ang sagót nila at saysay sa hari nilang magulang, capua ibig magtangan nang corona't, cetrong mahal.
Nang itó ay maringig na nang haring canilang amá, pinaturuan na sila na humauac nang espada.
Sa Dios na calooban sa canilang pag-aaral, di nalao'i, natutuhan ang sa armas ay pagtangan.
Ito'i, lisanin co muna yaong pagcatuto nila, at ang aquing ipagbadyá itong daquilang monarca.
Nang isang gabing tahimic itong hari'i, na-iidlip, capagdaca'i, nanaguinip sa hihigán niyang banig.
At ang bungang panaguimpan nitong hari cong tinuran, ang anác na si don Juan pinag lilo at pinatay.
Ang dalauang tampalasang sa caniya ay pumatáy, inihulog at iniuan sa