< previous  next > 

3

amirez y Giraudier", at sa kanyang takip na papel katalan--takip na ilinagay lamang ng maingat na may-ari--ay nakatitik ito: "Es propiedad de Don Jose Dioniso de Mendoza". Si Balagtas ay namatay noong ika 20 ng Pebrero ng 1862, sa gulang na magpipitongpu't apat na taón. Kaya, maliwanag, na buhay pa si Balagtas ng limbagin nina Ramirez ang "Floranteng" sumakamay namin, at matanda pang di hamak sa iniingatan ni Dr. Tavera, sapagka't ang kanya ay limbag lamang noong 1870 ng "Imprenta de B. Gonzales Mora" sa Binundok. Siyam na taón nga ang katandaan dito. At kung aalagataing buháy pa nga si Balagtas noong 1861 ay walang alinlangang dahil sa pagpipitagan man lamang sa noon pa ma'y itinuturing nang "Hari ng mga Manunula", ang sumakamay namin ay di pa "napanghihimasukan ng kamay ni Sigesmundo",

Ang saling iyan ay wala na sa amin, pagka't hindi amin. Naipagparanya lamang sa amin--dahil sa paglabas noong 1906 ng "kun sino ang kumatha ng Florante"--ng noo'y nag-aaral pa sa "Escuela de Derecho" at ngayo'y abogado Alfonso Mendoza, masugid na demokrata; at sa likod ng ilang buwang pag-iingat at pagsipi namin ay pinagpilitang bawiin ng nagpahiram, dahil sa minamahal daw mabutí ng kanyang ama, palibhasa'y sa mga nuno pa nila minana. Isinauli rin nga namin, sa likod ng kung makailang pagwawalawalaan.

At kamakailang maitanong namin uli sa abogado Mendoza ay ganito ang isinagot:

--Aywan bagá kung saan na naroon. Tila sira na ang mga unang mukha.

Kaya, nang paroonan ni Epifanio ay aywan kung nakuha niya o hindi....

Si G. Epifanio de los Santos--ang dalubhasang istoriograpo, ang guro, ang akademiko, ang sumakastila ng "Florante"--ay siyang tinutukoy. Kami ang sa kanya ay nakapagpahiwatig, upang mapawi ang maling paniwala, na "wala na ngayong Floranteng limbag nang buháy pa si Baltazar." At dahil diyan ay walang salang nagdumaling paroon, upang makuha--sa paano man--ang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalog na pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kah

 < previous  next > 

Florante at Laura, page 2
by Francisco Balagtas

<< Return to Title Details