< previous  next > 

2

IN NIYÁ SA WIKANG KASTILA SA PINAKA FOLLETIN NANG El Grito del Pueblo NOONG TAÓNG 1905. SAPAGKÂ'T NAWALÂ ANG UNANG ORIGINAL, AY MULING SINALIN SA WIKANG TAGALOG

NI

CARLOS B. RAIMUNDO

MANILA 1912

TIP SANTOS Y BERNAL Ave. Rizal 414 Sta. Cruz

[Larawan: Hon. Isabelo De Los Reyes]

SA KAY LIWAYWAY N~G BALIWAG.

_Magandáng Binibini_:

Sa bilang n~g páhayagáng tagalog _Ang Kapatid ng Bayan na nauukol sa iká 14 n~g Septiembre n~g 1905, nábasa ko ang isáng lathalà na ganitó ang sinasabi:

"Nagíng dahil n~g mapupusok na paghahakà ang mainam na kathà, (novela) na sa pamamagitan n~g lagdâ n~g isáng kilaláng mánunulat ay aming inihahayág, at ipinalalagáy n~g; iláng tiktik na ang Dalagang Marmol ay nanánagisag sa _kapalaran n~g Filipinas_, na bagama't ngayo'y tila tumatalikód sa kaawà-awà nating bayan, n~guni't sa wakás ay gaganapin din ang kanyáng pakiki-isáng dibdib kay Pusò (táong may malakíng kabuluhán sa kathâ) na alinsunod sa m~ga tiktik ay nanánagisag naman sa kahulugán n~g Diwà ó n~g Mithî n~g bayang tagalog.

"May balità kaming sinalin na raw sa wikàng ingles."

"N~guni, sinasabi naman n~g m~ga tagá Bulakán na ang _Dalagang Mármol_ ay walâng ibá kundî si binibining Liwayway na tagá Baliwag, pagkâ't ang kanyáng m~ga kagandahang iginuhit ay siyá lamang tumútugón sa m~ga pagkakakilanlán sa katauhan n~g násabing binibini.

"Talagáng túnay ngâng nakahahangà ang kagandahan n~g dalagang _Liwayway_, n~guni't dî namin nababatid kung síyá n~gâ ang tinútukoy n~g nasabing má

 < previous  next > 

Ang Singsing nang Dalagang Marmol, page 1
by Isabelo de los Reyes

<< Return to Title Details